Ang
Mekaniks na Kwantum na kilala rin bilang
Teoriyang Kwantum o
Pisikang Kwantum(mula sa Ingles na
Quantum Mechanics,
Quantum Theory o
Quantum Physics) ay isang pundamental na hinuhang pisikal (physics) na pumapalit sa mekaniks na Newtonian at klasikong
elektromagnetismo sa lebel na
atomika at subatomika. Ito ang balangkas sa ibabaw sa maraming larangan ng
pisika at
kimika kasama ang pisika ng kondensadong materya
(condensate matter), kimika kwantika at pisika ng mga partikulo. Ang katagang kwantum (
quantum sa Latin, “magkano, gaano”) ay tumutukoy sa mga hiwalay at maliwanag na unit na itinatakda ng hinuha sa kantidad tulad ng enerhiya ng isang atomong nakahimpil (tingnan ang Larawan 1, sa kanan). Ang pundasyon ng kwantum mekaniks ay itinatag noong unang kalahati ng siglo 20 nina
Max Planck,
Albert Einstein,
Niels Bohr,
Werner Heisenberg,
Erwin Schrödinger,
Max Born,
John von Neumann,
Paul Dirac,
Wolfgang Pauli at ng iba pa. Ang ilang aspetong pundamental ng hinuang ito ay patuloy na pinag-aaralan magpahanggang ngayon.