Ang
milon o
melon (Ingles:
melon) ay isang uri ng
prutas. Bilang pangalan, ginagamit ang katawagang
milon para sa sari-saring mga kasapi ng pamilyang Cucurbitaceae na may malamang mga bunga o prutas. Maaaring tumukoy ang milon sa halaman o bunga, na isang hindi totoong ratiles. Maraming iba't ibang mga kultibar ang nalikha, partikular na ng mga mga
milong musko o
milong Kastila. Tumutubo ang halamang ito bilang isang halamang gumagapang o baging. Bagaman isang prutas ang milon, may ilang mga uri nitong maituturing bilang
gulay sa larangan ng pagluluto o "kulinaryong gulay".