membrano ng selula


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Membrano ng selula
Ang membrano ng selula (Ingles: cell membrane o plasma membrane) ay isang membranong biolohikal na humihiwalay sa interior (loob) ng lahat ng selula mula sa panlabas na kapaligiran. Ang mga membrano ng selula ay selektibong matatagos (permeable) sa mga iono at molekulang organiko at kumokontrol sa paggalaw ng mga substansiyang labas-masok sa mga selula. Ito ay pangunahing pumoprotekta sa selula mula sa mga panlabas na puwersa. Ito ay binubuo ng mga dalawang patong (bi-layer) na lipido na may nakakabit na mga protina. Ang mga membrano ng selula ay nasasangkot sa iba't ibang uri ng mga prosesong selular gaya ng adhesyon ng selula, konduktibidad ng iono at paghuhudyat ng selula at nagsisilbi rin itong ibabaw na kabitan ng ilang mga istrakturang panlabas ng selula gaya ng pader ng selula, glikokaliks at sitoskeleton.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.