Ang
metabolismo ay ang pangkat ng mga reaksiyong kimikal o kimikal na tugon na nagaganap sa loob ng mga
organismong may buhay upang mapanatili ang buhay. Nagpapahintulot ang mga prosesong ito na mapalaki ang mga organismo, pati na makapagparami, mapanatili ang kanilang mga kayarian, at tumugon sa kanilang mga kapaligiran. Karaniwang hinahati ang metabolismo sa dalawang mga kategorya: ang katabolismo at ang anabolismo. Ang katabolismo ang bumubuwag sa mga materyang organiko; samantalang ang anabolismo ay gumagamit ng enerhiya upang bumuo ng mga komponente ng mga selulang katulad ng mga
protina at mga
asidong nukleiko.