Sa
kimika, isang
metal (
Griyego:
Metallon) ang isang
elemento na madaliang bumuo ng mga
iono (mga
cation) at mayroong mga kawing metaliko. Isinasalarawan minsan ang mga metal bilang isang
lattice ng mga positibong iono (mga
cation) na napapaligiran ng isang ulap ng dekoloniksadong mga elektron. Ang mga metal ang isa sa mga tatlong pangkat na mga elemento na tinutukoy sa pamamagitan ng kanilang ionisasyon at mga katangian ng pagkawi, kasama ang mga metaloyd at hindi metal. Sa
talaang peryodiko, isang pahalang na guhit ang ginuguhit mula sa
boron (B) hanggang
polonyum (Po) na hinihiwalay ang mga metal sa mga hindi metal. Mga metalloid ang mga elemento sa guhit na ito, minsang tinatawag na mga semi-metal; metal ang mga nasa babang kaliwa; hindi metal ang nasa taas na kanan.