Isang sangay ng
pilosopiya ang
Metapisika, at may kaugnayan ito sa mga
agham-pangkalikasan, tulad ng
pisika,
sikolohiya at ang
biyolohiya ng
utak; at sa
mistisismo,
relihiyon at mga paksang
espirituwal. Napakahirap tukuyin ang kahulugan ng metapisika, ngunit bilang pagpapakilala ng paksang ito sa mga di-pilosopo, maaari nating sabihin na pag-aaral ito tungkol sa mga pinakabuod at pinagbabatayang mga kaisipan at paniniwala tungkol sa pinakapuso ng kalikasan ng tunay na nandito at umiiral, na nagsisilbi namang pinakasahig ng iba pang mga kaisipan at paniniwala -- tulad ng
pagmemeron,
pag-iral, pangsanlahat,
kakanyahan, kaugnayan, kasanhian, kalunanan,
kapanahunan, pangyayari at maraming iba pa.