Ang
meteoroid ay ang minumungkahing katawagan para sa mga partikulong sinlaki ng buhangin hanggang malalaking bato na makikita sa
Sistemang solar. Tinatawag na
meteor ang nakikitang daanan ng isang meteoroid na pumapasok sa
himpapawid ng mundo (o sa ibang himpapawid ng ibang planeta), o tinatawag ding
bulalakaw. Kung ang isang meteoroid ay nakaabot sa lupa at nakaligtas sa pagsabog, tinatawag na itong
meteorite.