Ang mga
Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong
Pilipino. Pangunahin silang naninirahan sa
Kabisayaan at sa hilagang-silangang
Mindanao habang ang iba naman ay dumayo sa ibang mga bahagi ng bansa, kasama na ang
Kalakhang Maynila, kung saan sila ang bumubuo ng mayoriya.
Cebuano,
Hiligaynon (o Ilonggo), at
Waray-Waray ang mga nangungunang wika ng mga Bisaya pagdating sa bilang ng mga tagapagsalita. Bagaman maaaring magkaunawaan ang mga tagapagsalita ng mga wikang ito (at ng iba pang
mga wikang Bisaya) kung pipilitin, hindi pa rin ito sapat para sa masaysay na talastasan, at karaniwang
Filipino o
Inggles ang ginagamit bilang wikang pantalastasan sa pagitan ng mga kasapi ng iba’t ibang pangkat linggwistiko. Higit 40% ng mga Pilipino ang may kanunununuang Bisaya.