Maaaring gamitin ang katawagang
mga katutubo (
Ingles:
indigenous people) upang ilarawan ang anumang
pangkat etnikong mga tao na naninirahan sa isang rehiyon kung saan mayroon silang pinakaunang kilalang koneksyon pang-
kasaysayan, kasama ang kamakailan lamang mga dayo na nagparami din sa rehiyon at maaaring mas malaki ang bilang. Bagama't may ilang malawak na tinatanggap na mga pormulasyon, na binibigyan ng kahulugan ang katawagang
katutubo sa mas mahigpit na kahulugan, ang sinusulong ng mga kilala at kinikilala sa buong mundong organisasyon, katulad ng
Mga Nagkakaisang Bansa, ang International Labour Organization, at ang
Bangkong Pandaigdig.