mga lungsod ng Pilipinas


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Mga lungsod ng Pilipinas
Ang lungsod ay isang dibisyon ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas. Kawangis ang antas ng mga lungsod sa mga bayan, ngunit sa ilalim ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991, binigbigyan ang mga lungsod ng espesyal na pagturing sa malaking bahagi ng internal revenue allotment (IRA) na binubuong bahagi ng badyet ng lungsod. Binubuo ng mga barangay ang mga lungsod, katulad ng mga bayan, at pinamamahalan ng mga hinalal na mga opisyal katulad ng Alkalde bilang Lokal na Punong Tagapagpaganap, Pangalawang Alkalde, at mga konsehal gayon din ang mga hinirang na mga opisyal na pinamumunuan ang iba't ibang mga lokal na tanggapan sa ilalim nila.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.