Ang mga milagrosong kapanganakan ay karaniwang elemento sa panitikang historikal at mga kasulatang relihiyoso. Ang mga kwento ng mga milagrosong kapanganakan ay kadalasang kinabibilangan ng mga paglilihing milagroso at nagtatanghal ng interbensiyon ng isang diyos, mga elementong supernatural, mga tandang astronomikal, kahirapan o sa ilang mga mitolohiya ay mga masalimuot na kwento na nauugnay sa mitong paglikha.