Ang
mga wikang Indo-Europeo ay isang pamilya o phylum ng ilang daang magkakaugnay na mga wika at dialekto. Ito ay may tinatayang 439 wika at dialekto ayon sa pagtataya ng 2009 Ethnologue na ang tinatayang kalahati (221) ay kabilang sa sub-sangay na Indo-Aryan.. Ito ay kinabibilangan ng pinakapangunahing mga kasalukuyang mga wika ng Europa, talampas na Iraniano at mga wika ng Timog Asya at nananaig rin sa sinaunang
Anatolia. Sa pagkakaroon ng mga isinulat na pagpapatunay na lumitaw simula
Panahon ng Tanso sa anyo ng mga wikang Anatolyo at Griyegong Miseneo, ang pamilyang Indo-Europeo ay mahalaga sa larangan ng
lingguwistikang historikal bilang nag-aangkin ng pinakamahabang itinalang kasaysayan pagkatapos mga wikang Apro-Asyatiko.