Ang
midyang pangmasa (Ingles:
mass media) ay mga midyang katulad ng
radyo,
internet, o iba pang mga bagay na nakakaabot sa maraming mga
tao. Nalikha ang kataga o pariralang ito noong dekada ng 1920 dahil sa pagdating ng mga pambansang mga lambat-lambat o network ng radyo, mga
pahayagan at mga
magasin ang pangsirkulasyon sa masa o balana, bagaman umiiral na ang midyang pangmasa (tulad ng mga
aklat at mga
manuskrito) noong mga daang taon bago pa naging pangkaraniwan ang katawagan.