Ang
militar o
hukbo ay isang samahan na pinapahintulot ng
bansa nito na gamitin ang puwersa, kadalasang kinabibilangan ng paggamit ng mga
sandata, sa pagsanggalang ng bansa (o pagsalakay sa ibang mga bansa) sa pamamagitan ng paglaban ng aktuwal o nakikitang mga banta. Bilang isang
pang-uri, ginagamit ang katawagang "militar" bilang pantukoy sa kahit anong pagmamay-ari o aspeto ng isang militar. Kadalasang gumagana ang mga militar bilang mga
lipunan sa loob ng mga lipunan, sa pamamagitan ng sarili nilang militar na mga pamayanan,
ekonomiya,
edukasyon,
medisina at iba pang aspeto ng isang gumaganang lipunang sibil.