Ang
mineral o
batong mineral ay isang solido at inorganikong bagay na kusa o likas na nabubuo sa loob ng
Mundo. Mayroon itong kayariang
kristal at natural na nangyayari sa pamamagitan ng sarili lamang. Tinatawag na
mineralohiya ang pag-aaral ng mga mineral. Mayroon din itong kumposisyon o kabuuang kimikal. Isa rin itong matigas na bagay na itinuturing na
elementong kimikal at may buong
kumpuwestong kimikal. May lagpas sa 4,000 mga tipo o uri ng nakikilalang mga mineral. Dalawa sa pangkaraniwang mga mineral ang kuwarts at ang peldspar.