Ang
mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o
mito (
Ingles:
myth), mga kwento na binubuo ng isang partikular na
relihiyon o
paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong mito ang mga
diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa
alamat at
kwentong-bayan.