Ang
alamat ng paglikha,
mito ng paglikha, o
kuwento ng paglikha ay isang masagisag na pagsasalaysay ng kung paanong nagsimula ang mundo at kung paanong ang tao ay unang dumating upang manirahan sa daigdig. Umunlad sila sa mga
tradisyong pasambit, kung kaya't pangkaraniwang may maramihang mga bersyon; at sila ang pinaka pangkaraniwang anyo ng
mito, na natatagpuan sa lahat ng
kultura ng tao. Sa isang lipunan kung saan nilalahad ito, ang isang alamat ng paglikha ay pangkaraniwang itinuturing na nagpapabatid ng ganap na mga katotohanan, patalinghaga o metaporikal, masagisag at kung minsan ay pati na sa diwang
makasaysayan o
literal. Ang mga ito ay pangkaraniwang, bagaman hindi palagi, isinaalang-alang bilang mga
mitong kosmohonikal, iyong naglalarawan ng pagsasaayos o pag-aayos ng kosmos mula sa isang kalagayan ng
kaguluhan o walang tiyak na porma, hugis, kabuuan, tipo, uri, katangian o karakter.