Ang
mitolohiyang Etruskano ay tumutukoy sa mitolohiya ng mga diyos at diyosa ng
kabihasnang Etruskano, mga taong hindi nalalaman ang pinagmulan at namuhay sa Hilagang
Italya. Mayroong sariling pananampalataya ang mga taong ito. Sa pagiging kasanib ng mga Etruskano sa ilalim ng
Imperyo ng Roma, karamihan sa mga paniniwala, kaugalian, at mga sinasambang diyus-diyosan ng mga taong ito ang naging bahagi ng kulturang Romano at napabilang sa Romanong panteon. Naniniwala ang mga Etruskanong ipinahayag sa kanila ang kanilang relihiyon sa pamamagitan ng mga sinaunang sir (binabaybay na
seer sa Ingles), o mga taong klerboyante o may kakayahang maglakbay-diwa.