mitolohiyang Griyego


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Mitolohiyang Griyego
Ang mitolohiyang Griyego ang katawan ng mga mito at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at mga Bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos. Ang mga modernong skolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang magbigay linaw sa mga institusyong relihiyoso at politikal ng Sinaunang Gresya at ng kabihasnan nito. Pinag-aaralan rin ito ng mga skolar upang maunawaan ang kalikasan ng mismong paggawa ng mito. Sa simula, ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang Gresya sa isang tradisyong tulang-pabigkas. Sa kasalukuyan, ang ating mga nanatiling sanggunian ng mga mitolohiyang Griyego ay mga gawang pang-panitikan ng mga tradisyong pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.