Ang
makabagong kasaysayan o
modernong kasaysayan (Ingles:
modern history,
modern era,
modern age) ay ang
kasaysayan ng
Makabagong Kapanahunan. Ang simula ng kasaysayan ng makabagong panahon ay nasa pagkalipas ng
Panahong Panggitna. Ang makabagong kapanahunan ay tinatayang nagsimula sa ika-16 daantaon. Na nasundan ng pagtukoy sa kasaysayan ng daigdig magmula sa pagdating ng Panahon ng Katwiran at ng
Panahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon at sa pag-uumpisa ng
Rebolusyong Pang-industriya. Ang makabagong kasaysayan ay mahahati pa sa
maagang makabagong kapanahunan at sa
hulihan ng makabagong kapanahunan pagkalipas ng
Himagsikang Pranses at ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang
kasaysayang kontemporaryo ay naglalarawan sa maikling panahon ng mga kaganapang pangkasaysayan na kaagad na may kaugnayan sa pangkasalukuyang kapanahunan.