moderno


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Makabagong kasaysayan
Ang makabagong kasaysayan o modernong kasaysayan (Ingles: modern history, modern era, modern age) ay ang kasaysayan ng Makabagong Kapanahunan. Ang simula ng kasaysayan ng makabagong panahon ay nasa pagkalipas ng Panahong Panggitna. Ang makabagong kapanahunan ay tinatayang nagsimula sa ika-16 daantaon. Na nasundan ng pagtukoy sa kasaysayan ng daigdig magmula sa pagdating ng Panahon ng Katwiran at ng Panahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon at sa pag-uumpisa ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang makabagong kasaysayan ay mahahati pa sa maagang makabagong kapanahunan at sa hulihan ng makabagong kapanahunan pagkalipas ng Himagsikang Pranses at ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang kasaysayang kontemporaryo ay naglalarawan sa maikling panahon ng mga kaganapang pangkasaysayan na kaagad na may kaugnayan sa pangkasalukuyang kapanahunan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.