Sa
klasikong mekaniks, ang
momentum ang
produkto ng
masa(mass) at
belosidad ng isang obhekto(bagay) na inilalarawan ng pormulang: . Tulad ng belosidad, ang momentum ay isang bektor na Euclidiano na nagtataglay ng direksiyon gayundin ng
magnitudo. Ang momentum ay isang konserbadong kantidad na ang ibig sabihin ay kung ang isang saradong sistema ay hindi apektado ng mga panlabas na
puwersa, ang kabuuang momentum nito ay hindi magbabago. Ang momentum ay minsan tinutukoy na
linyar na momentum upang ibukod sa
angular na momentum.