Ang
mga Monggol (
Monggolyano:
Mongol) o mas tumpak na
mga taong Monggoliko ay isang pangkat na etnolingguwistiko ng
Gitnang Asya at
Hilagang Asya. Bagaman ang pinakamalaking pangkat na Monggoliko ay ang ng
Monggolya, naninirahan din sila bilang mga minorya sa kahabaan ng Hilagang Asya, kabilang na ang sa
Rusya,
Tsina, at marami sa dating mga estadong
Sobyet. Ang mga taong Monggoliko na kabilang sa pangkat na etnikong Buryat ay maramihang naninirahan sa ngayon sa pangkasalukuyang mayroong awtonomiyang republika ng
Buryatia, Rusya. Sa Tsina, pangunahin silang naninirahan sa
Panloob na Monggolya o, mas mababa ang bilang sa pangkaraniwan, sa
Xinjiang. Pinag-aanib-anib ang mga taong Monggoliko ng isang karaniwang
kultura at
wika, isang kapangkatan ng magkakaugnay na mga wika na nakikilala bilang mga wikang Monggoliko.