monoteismo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Monoteismo
Ang monoteismo o monotheism ay inilalarawan ng Encyclopædia Britannica bilang paniniwala sa pag-iral ng isang diyos o sa pagiging isa ng diyos. Ito ay inilalarwan ng Oxford Dictionary of the Christian Church bilang "paniniwala sa isang personal at transendenteng diyos na taliwas sa politeismo at panteismo. Ang isang pagtatangi ay maaaring gawin sa pagitan ng eksklusibong monoteismo gaya ng HudaismoKristiyanismo at Islam at sa parehong inklusibong monoteismo at pluriporma na bagaman kumikilala sa maraming mga natatanging mga diyos ay nagpapalagay ng isang pundamental na pagkakaisa ng mga ito. Sa mas malawak na kahulugang ito, ang mga moneteistikong relihiyon ay kinabibilangan ng Atenismo, Pananampalatayang Bahá'í, Cao Dai, Cheondoism (Cheondogyo), Deismo, Eckankar, Hinduismo (Vaishnavism, Shivaism), Ravidassia, Seicho no Ie, SikhismoTenrikyo at Zoroastrianismo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.