Ang
monoteismo o
monotheism ay inilalarawan ng
Encyclopædia Britannica bilang paniniwala sa pag-iral ng isang
diyos o sa pagiging isa ng diyos. Ito ay inilalarwan ng
Oxford Dictionary of the Christian Church bilang "paniniwala sa isang personal at transendenteng diyos na taliwas sa
politeismo at panteismo. Ang isang pagtatangi ay maaaring gawin sa pagitan ng eksklusibong monoteismo gaya ng
Hudaismo,
Kristiyanismo at
Islam at sa parehong inklusibong monoteismo at pluriporma na bagaman kumikilala sa maraming mga natatanging mga diyos ay nagpapalagay ng isang pundamental na pagkakaisa ng mga ito. Sa mas malawak na kahulugang ito, ang mga moneteistikong
relihiyon ay kinabibilangan ng
Atenismo, Pananampalatayang Bahá'í, Cao Dai, Cheondoism (Cheondogyo),
Deismo, Eckankar,
Hinduismo (Vaishnavism, Shivaism), Ravidassia, Seicho no Ie,
Sikhismo,
Tenrikyo at
Zoroastrianismo.