Ang
bundok (Ingles:
mountain,
mont [katawagang pang-heograpiya], at
mount [isa pang katawagang pang-heograpiya] ay
anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang
burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.