moro

Found in thesaurus: filipino

Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Moro
Ang mga Moro (Ingles: Moor, Moorish) ay ang katawagang sa mga Muslim na naninirahan sa Morocco, kanlurang AlheryaKanlurang SaharaMauritaniaTangway ng Iberia, Septimania, Sicilia at Malta noong Gitnang Kapanahunan (Panahong Midyebal). Tinawag ng mga Moro ang kanilang teritoryong Iberiano bilang Al-Andalus, isang pook na binubuo ng Gibraltar, ang karamihan sa mga pook na ngayon ay pangkasalukuyang EspanyaPortugal, at bahagi ng Pransiya. Mayroon ding mga Moro sa pangkasalukuyang katimugang bahagi ng Italya pagkaraang saklawin nila ang Mazara noong 827 hanggang sa panghuli nilang pamayanan sa Lucera ay nawasak noong 1300. Ang kaibahan sa relihiyon ng mga Muslim na Moro ay humantong sa isang hidwaang nagtagal nang mga daantaon laban sa mga mga kahariang Kristiyano sa Europa, isang hidwaang tinawag bilang Rekongkista (Reconquista). Ang Pagbagsak ng Granada noong 1492 ang nakamalas sa pagwawakas ng pagkakaroon ng mga Muslim sa Iberia.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.