Ang mga
Moro (Ingles:
Moor,
Moorish) ay ang katawagang sa mga
Muslim na naninirahan sa
Morocco, kanlurang
Alherya,
Kanlurang Sahara,
Mauritania,
Tangway ng Iberia, Septimania,
Sicilia at
Malta noong
Gitnang Kapanahunan (Panahong Midyebal). Tinawag ng mga Moro ang kanilang teritoryong Iberiano bilang Al-Andalus, isang pook na binubuo ng
Gibraltar, ang karamihan sa mga pook na ngayon ay pangkasalukuyang
Espanya,
Portugal, at bahagi ng
Pransiya. Mayroon ding mga Moro sa pangkasalukuyang katimugang bahagi ng
Italya pagkaraang saklawin nila ang
Mazara noong 827 hanggang sa panghuli nilang pamayanan sa Lucera ay nawasak noong 1300. Ang kaibahan sa relihiyon ng mga Muslim na Moro ay humantong sa isang hidwaang nagtagal nang mga daantaon laban sa mga
mga kahariang Kristiyano sa Europa, isang hidwaang tinawag bilang
Rekongkista (
Reconquista). Ang Pagbagsak ng Granada noong 1492 ang nakamalas sa pagwawakas ng pagkakaroon ng mga Muslim sa
Iberia.