Ang
morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang
morpemang di-malaya (kilala rin bilang
panlapi), ang
morpemang malaya (kilala rin bilang salitang ugat), at ang
morpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat.