morus nigra


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Itim na moras
Ang itim na moras, itim na amoras o Morus nigra (Ingles: black mulberry) ay isang uri ng moras. Likas at katutubo ito sa timog-kanlurang Asya, kung saan matagal na itong inaalagaan ang mga ito. Hindi natitiyak ang likas na sakop nito. Isa itong maliit na punong tumataas ng 10 hanggang 13 metro. May habang 10 hanggang 20 sentimetro at lapad na 6 hanggang 10 sentimetro (umaabot hanggang 23 sentimetro kung may masisigasig na mga usbong) ang mga dahon nito, na pababa ang tubo sa bandang ilalim, at may mga maiikli ngunit matitigas na buhok sa magaspang na ibabaw. Nakakain ang madilim na purpurang mga bunga, halos itim kung hinog, may 2 hanggang 3 sentimetrong haba, at isang masalimuot na kumpol ng ilang maliliit na ratiles o seresa; mayaman ang lasa ng bunga, katulad ng sa pulang moras (Morus rubra) subalit hindi katulad ng walang lasa o matabang na puting moras (Morus alba). Tinatawag din itong Persang moras.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.