Ang
motherboard (o
mainboard,
system board,
planar board o
logic board o
mobo) ay isang nilimbagang tabla ng sirkito (kilala sa Ingles bilang
printed circuit board (PCB) na matatagpuan sa maraming makabagong mga
kompyuter, na humahawak sa maraming mga mahahalagang mga bahagi ng sistema na ginagamit sa pagpapatakbo ng isang kompyuter. Ang motherboard ang pinagkakabitan ng
CPU na tinuturing na utak ng kompyuter. Kung minsan, tinatawag din itong
main board o
system board, o kaya
logic board sa mga kompyuter ng
Apple. Kaswal na pinaiikli ito kung minsan bilang
mobo.