Sa
biolohiyang molekular at
henetika, ang mga
mutasyon ang mga pagbabago sa
genome ng
DNA: ang sekwensiyang DNA ng genome ng isang
selula o ang sekwensiyang DNA o
RNA sa ilang mga
virus. Ang mga random na sekwensiyang ito ay mailalarawan bilang biglaan at kusang loob na mga pagbabago sa selula. Ang mga mutasyon ay sanhi ng mga radiasyon, mga
virus, mga transposon at mga mutahenong kemikal gayundin ang mga pagkakamali sa DNA na nangyayari sa meiosis at replikasyon ng DNA. Ang mga ito ay maaari ring pukawin ng mismong organismo sa pamamagitan ng mga prosesong selular gaya ng somatikong hypermutasyon. Ang mutasyon ay maaaring magresulta sa ilang iba't ibang mga uri ng pagbabago sa mga sekwensiya. Ang mga ito ay maaaring walang epekto, magbago ng produkto ng gene o pumigil sa
gene na gumana.