Ang
reproduksyong seksuwal o
seksuwal na pagpaparami ay ang uri ng
reproduksyon na nangangailangan ng dalawang
selulang kasarian. Kabaligtaran ito ng
reproduksyong aseksuwal. Ang
pagpaparaming seksuwal ay ang paglikha ng isang bagong
organismo sa pamamagitan ng pagsasanib ng materyal na
henetika ng dalawang mga organismo. Mayroong dalawang pangunahing mga proseso habang nagaganap ang
reproduksyong pampagtatalik o
pangpagtatalik na pagpaparami. Ang mga ito ay ang meiosis, na kinasasangkutan ng paghahati sa bilang ng mga kromosom; at ang isa pa ay ang
pertilisasyon, na kinasasangkutan ng pagsasapi-sapi ng dalawang mga
gameto at ang restorasyon o pagpapanumbalik ng orihinal na bilang ng mga kromosom. Habang nagaganap ang meiosis, ang mga kromosom ng bawat paris ay pangkaraniwang tumatawid upang makamtan ang rekombinasyong homologo.