Ang
Paliligo ay isang gawain ng paglilinis ng katawan na kinasasangkutan ng pagbubuhos ng tubig o kaya paglulublob sa pluwido, kadalasang sa
tubig, o kaya sa isang solusyong may tubig. Bukod sa layuning pangkalinisan, ito ay para rin sa
palalusugan o para sa mga adhikaing
pangrelihiyon, o pangkasiyahan tulad ng paglalaro
sa tubig o
ng tubig, kahit na sa
ulan. Kung minsan, ang pagligo ay ginagawa bilang isang uri ng terapiya. Kapag nag-uusap ang mga tao hinggil sa paliligo, kadalasang itong nangangahulugan ng pagtubog o pagbabad sa tubig, subalit ang mga tao ay "naliligo" o nagbababad din sa ibang mga uri ng likido, katulad ng paggamit ni
Cleopatra ng
gatas upang bumuti ang kanyang
kutis. Sa pangterapiya, isang bagay na ginagamit sa "paliligo" ay ang
putik.