- Tumuturo rito ang namayapa, tingnan din ang kaugnay nitong kapayapaan.
Ang
kamatayan ay ang katapusan ng buhay ng isang organismo. Maraming dahilan ang umaambag sa kamatayan, kabilang ang mga
aksidente,
pagkakasakit, di-sapat na nutrisyon, at iba pa. Ang pangunahing dahilan ng kamatayan ng tao sa ibang modernisadong
bansa ay dahilan sa pagkakatanda. Ang mga tradisyon at paniniwala na patungkol sa kamatayan ay mahalagang bahagi ng
kultura at
relihiyon. Sa Kristiyanismo at Hudaismo, tumutukoy ang pariralang "unang kamatayan" sa kamatayan ng katawan, samantalang ang pariralang "ikalawang kamatayan" ay tumataguri sa kaparusahan sa impiyerno.