Ang mga
agham pangkalikasan (
Ingles:
natural science) ay ang pag-aaral sa pisikal, mga aspeto na di para sa tao na tungkol sa
Daigdig at ng
Sansinukob na nasa paligid natin. Sa pangkalahatan, sinusubok nitong ipaliwanag ang mga gawa ng mundo sa pamamagitan ng mga natural na proseso sa halip na prosesong pang-
diyos. Ginagamit pantukoy ng katagang
agham pangkalikasan ang mga "agham" bilang disiplinang sumusunod sa
pamamaraang makaagham (
scientific method), salungat sa pilosopiyang pangkalikasan o sa
agham panlipunan, na ginagamit ang kaparehong kaparaanang agham upang ilapat sa iba't ibang paksa.