Ang
neon (,
Ingles:
neon) ay isang uri ng
gas. Isa itong
elementong kimikal na may simbolong
Ne at
atomikong bilang na 10. Mayroon din itong atomikong timbang na 20.183, punto ng pagkatunaw (MP o
melting point) na 248.67 °C, punto ng pagkulo (BP o
boiling point) na 245.95 °C, at
V na 0. Bagaman isang napakakaraniwang elemento sa
uniberso, bihira ito sa
mundo. Isa itong hindi magalaw, walang-kulay, at hindi nakikitang gas sa pamantayang mga kalagayan o kundisyon. Nagbibigay ang neon ng kakaiba at natatanging mamula-mula o naranghalang katingkaran kapag dinaanan ng kuryente at kapag ginamit sa tubong Geissler o tubong pangdiskarga at mga lamparang neon (ilawang neon). Komersiyal na nakukuha ito mula sa hangin, kung saan natatagpuan ito sa maliliit o bakas na mga bilang. Ginagamit ito para sa mga ilaw ng neon ng lungsod. Nagmula ang salitang
neon sa
salitang Griyegong nangangahulugang "bago". Natuklasan ito nina William Ramsay (binabaybay ding William Ramsey) at Morris W. Travers noong
1898.