Ang
neuron o nerbong
selula(nerve cell o neurone) ay isang
elektrikal na napananabik na
selula(excitable cell) na nagpoproseso at nagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng
elektrikal at
kemikal na pagsesenyas(signalling).Ang isang kemikal na pagsesenyas ay nagaganap sa mga
sinapse(synapse) na isang koneksiyon sa ibang mga selula. Ang mga neuron ay nagdudugtong sa ibang mga neuron upang bumuo ng networko. Ang mga neuron din ang mga pangunahing bahagi ng
sistemang nerbiyos na kinabibilangan ng
utak,
kordong espinal at periperal na ganglia. Ang ilang mga espesyal na uri ng neuron ay umiiral gaya sensoryang neuron na tumutugon sa paghipo(touch), tunog, liwanag at iba pang mga stimuli na umaapketo sa mga selula ng mga sensoryang
organo na nagpapadala ng senyas(signal) sa spinal na kordo at utak. Ang mga motor na neuron ay tumatanggap ng senyas mula sa utak at spinal na kordo, nagsasanhi ng kontraksiyon ng
masel(muscle) at umaapketo sa mga
glandula(gland). Ang mga interneuron ay kumokonekta ng mga neuron sa ibang mga neuron sa loob ng parehong rehiyon sa utak o kordong espinal.