Ang
hubu't-hubad,
hubo't hubad o
hubo at hubad ay ang kawalan ng pantakip na kasuotan ng isang
tao. Sa kalagayang ito, nakalantad ang buo o bahagi ng mga maseselan at pribadong parte ng katawan. Sa paghihiwalay ng dalawang mga salitang ito, tumutukoy ang
hubo o
kahubuan sa kawalan ng damit mula sa
baywang paibaba habang ang
hubad o
kahubaran naman ay kawalan ng kasuotan mula
baywang pataas. Nakalantad ang lahat ng mga panlabas na bahagi ng katawan sa kalagayan ng kahubaran.