Ang
narsing (Ingles:
nursing) ay ang larangan ng pag-aaral at paglilingkod bilang isang
nars o dalubhasang
tagapag-alaga (o tagapangalaga) ng maysakit. Isa itong trabaho at propesyong nakatuon sa pagtulong sa mga
indibidwal, mga
mag-anak, at mga
pamayanan upang makamit, mapanatili, at mapanumbalik ang mataas na antas ng
kalusugan. Sa makabagong kahulugan ng narsing o
pangangalaga, ito ang
agham at
sining na nakatuon ang pansin sa pagtataguyod ng kalidad ng buhay ayon sa kahulugan mula sa mga tao at mga mag-anak, sa kabuoan at kahabaan ng kanilang mga karanasan sa buhay magmula sa
pagsilang hanggang sa pagiging isang alaga sa panahon ng kanilang
kamatayan o huling panahon ng buhay. Isinasagawa ng isang nars ang pagsasakatuparan ng mga pangangalagang makalarangan, na kinabibilangan ng paggawa ng mga nakasaad sa isang plano ng pangangalagang ibinatay mula sa unang pagsusuring pangpangangalaga, na nakabatay naman sa isang espesipiko o natatanging panukalang pag-aalaga o teoriyang pampangangalaga, na pipiliin kung nararapat para sa kalagayan o katayuang may kaugnayan sa pangangalaga. Sa pagbibigay ng pangangalagang makalarangan, ginagamit ng isang nars ang panukala ng pag-aalaga at pinakamainam na gawaing nakaayon sa pananaliksik na pampangangalaga.