Ang karaniwang
obena,
abena,
owt o
ot (
Ingles:
oat; pangalang pang-agham:
Avena sativa) ay isang uri ng halamang pinagkukunan ng butil at ginagawang mga
angkak. Bagaman nakakain ng
tao ng mga ito bilang otmil, isa pa sa kalimitang gamit nito ang pakain bilang darak para sa mga
hayop. Ginagamit itong pagkain para sa mga
kabayo,
baka,
manok o
poltri, at hinahalo rin sa mga may-tatak na pagkain ng mga
aso. Maaari ding tumukoy ang
obena sa mga halamang na nasa saring
Avena (o "ang
mga obena").