Ang
optical disc drive (
ODD) ay isang disk drive na gumagamit ng liwanag ng
laser light o mga along elektromagnetiko o malapit sa makikitang spektrum ng liwanag bilang bahagi ng proseso ng pagbabasa o pagsulat ng mga datos tungo o mula sa mga
optical disc. Ang ilang mga drive ay makakabasa lamang mula sa mga disc ngunit ang mga kamakailang drive ay karaniwang parehong mga tagapagbasa at mga recorder na tinatawag ring mga
burner o
writer. Ang mga
Compact disc, mga
DVD at mga Blu-ray disc ang mga karaniwang uri ng mga optical media na mababasa at marerecord ng mga gayong drive. Ang optical drive ang pangalang heneriko. Ang mga drive ay karaniwang inilalarawan bilang "CD" "DVD", o "Blu-ray" na sinundan ng "drive", "writer", etc.