Sa mundo ng
kompyuter, ang
sistemang operatibo o
sistemang pang-operasyon (Ingles:
operating system o
OS) ay isang
system software na responsable sa direktang kontrol at pamamahala ng
hardware at mga pundamental na system operations. Nagbibigay din ito ng pundasyon upang makapagpatakbo ng
sopwer na pang-aplikasyon gaya ng mga programang pamproseso ng salita at
web browser.