Ang
opisyal na wika ay isang
wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa
saligang batas ng mga bansa, mga
estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa
lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Ang mga kinikilalang wikang minoritaryo ng pamahalaan ay madalas din mapagkamalan na wikang opisyal. Subalit, ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa, tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ay hindi kinakailangang isang wikang opisyal. Halimbawa, ang Wikang Ladino at Sardo (Sardinian) sa
Italya at ang Wikang Mirandessa
Portugal ay opisyal na kinikilalang mga wikang minoritaryo lamang, hindi mga wikang opisyal.