Ang
Optiks o
Optika ay ang sangay ng
pisika na kinasasangkutan ng ugali o gawi at mga katangiang pagaari ng
liwanag, kasama na ang mga interaksyon nito sa
materya at sa konstruksyon ng mga instrumentong optikal na gumagamit o nakakapansin (nakakadetekta sa pamamagitan ng potodetektor). Karaniwang nilalarawan ng optiks ang kaasalan ng
nakikitang liwanag, liwanag na
ultrabiyoleta, at liwanag na
inprared. Dahil ang liwanag ay isang
along elektromagnetiko, ang ibang mga anyo ng
radyasyong elektromagnetikong katulad ng mga
eksrey, mga mikro-alon (
microwave sa Ingles), at mga along-radyo ay nagpapakita ng katulad na mga katangian.