Ang mga
orangutan ang dalawang eksklusibong mga species na Asyano ng umiiral na
dakilang bakulaw. Ito ay katutubo sa Indonesia at Malaysia at matatagpuan lamang sa kasalukuyan sa mga ulang kagubatan ng
Borneo at
Sumatra. Ito ay inuuri sa henus na
Pongo at nakaraang itinuring na isang species. Mula 1996, ang mga ito ay hinati sa dalawang species: ang
Bornean orangutan (
P. pygmaeus) at Sumatran orangutan (
P. abelii). Sa karagdagan, ang species na Bornean orangutan ay nahahati pa sa tatlong subspecies. Ang mga oranguatan ang tanging nabubuhay na species ng subpamilyang
Ponginae na kinabibilangan rin ng ilang mga species gaya ng
Gigantopithecus na pinakamalaking alam na primado. Ang mga
genome ng parehong species ay sinikwensiya at lumilitaw na naghiwalay noong 400,000 taong nakakalipas. Ang mga orangutan ay humiwalay mula sa ibang mga
dakilang bakulaw noong 12-15 milyong taong nakakalipas.