Ang
orasang may pendulo ay isang uri ng orasang nakapagpapanatili ng oras sa pamamagitan ng
pendulo. Ito ang unang tumpak na orasan. Naimbento ng
Olandes na si
Christiaan Huygens ang unang gumaganang
orasang de-pendulo noong
1657. Bagamang si
Galileo ang nakatuklas sa pendulo noong mga
1583, habang pinagmamasdan niya ang isang lamparang umuugoy sa loob ng katedral ng
Pisa, hindi siya ang matagumpay na nakagawa ng isang orasang may pendulo sapagkat nangangailangan ito ng isang kumplikadong mekanismo. Napag-isipan lamang ni Galileong kapag nakakabit ang isang
orasan sa isang pendulo, maaaring gawin ang mga itong gumalaw ng bahagya sa bawat pag-ugoy ng pendulo, at sa tamang haba gagalaw ang mga "kamay" ng orasan sa tamang pagkakataon upang makapagsukat ng oras. Si Huygens ang nag-aral ng mga pendulo at nakaimbento ng matagumpay na mekanismong para sa orasang may pendulo.