Ang isang
kompuwestong organiko ay anumang kasapi ng malaking klase ng mga kompuwestong kemikal na ma-gaas,
likido o solido na ang
molekula ay naglalaman ng
karbon. Sa mga kadahilanang historikal, ang ilang mga uri ng mga kompuwestong naglalaman ng karbon gaya ng mga karburo, karbonato, mga simpleng oksido ng karbon(gaya ng CO at CO
2), at
siyanuro gayudin ang mga alotropia ng karbon gaya ng
diamante at grapito ay itinuturing na mga
kompuwestong inorganiko. Ang pagtatangi sa pagitan ng mga kompuwestong karbon na organiko at inorganiko "bagaman magagamit sa pag-oorganisa ng malawak ng paksa ng kimika... ay medyo arbitraryo."