Ang
kimikang organiko (Ingles:
organic chemistry) ay ang pag-aaral ng mga
kumpuwestong pangkimika na naglalabon ng
karbon. Ang karbon ay may kakayahang bumuo ng isang
ugnayang pangkimika sa piling ng malawak na kasamu't sarian ng mga
elementong pangkimika at iba pang mga
atomo ng karbon. Nagpapahintulot ito ng isang halos walang hangganang bilang ng mga kumbinasyon. Ang paksa ng mga kumpuwestong kimikal ay tinatawag na kimikang organiko dahil ang lahat ng nakikilalang mga
organismo, o mga bagay na may
buhay, ay binubuo ng mga kumpuwesto ng tubig at karbon. Malawakang kasangkot sa kimikang organiko ang sintesis, o pormasyon (pagkakabuo), ng mga produktong organiko sa pamamagitan ng reaksiyong pangkimika na ginagamit ang iba't ibang mga reaktante (mga bagay na "tumutugon") at mga reahente, na mga sustansiyang nagagamit habang nagaganap ang isang pagtugon o reaksiyon. Ilang magkakaibang mga pook sa larangan ng
kimika ang lumalawig upang masakop ang mga diwa at mga prinsipyo ng kimikang organiko, kabilang na ang
biyokimika,
mikrobiyolohiya, at
medisina.