Ang
Sinaunang Palarong Olimpiko ay isinasagawa ng mga
Griyego para parangalan ang mga
diyos. Nagmumula ang mga atleta, ang mga kalahok na manlalaro, sa lahat ng mga lungsod ng
Gresya. Ginaganap ang mga
Palarong Olimpiko tuwing ikaapat na taon sa buwan ng
Agosto. Kabilang sa mga kaganapang
palaro at
palakasan ang
buno,
suntukan, paghahagis ng diskus at habelina, mga unahan sa pagtakbo. Tanging mga
korona lamang na yari sa mga
dahon ang gantimpala, subalit sadyang naging napakahalaga ng karangalan sa pagwawagi kung kaya't umaabot ng mga taon ang idinaraos na pagsasanay ng mga kalalakihan para makaipagtunggali at mapanalunan ang koronang dahon.